2 Ex-DOJ officials nasa payroll ng drug lords- Aguirre

DOJ Sec

 

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na dalawang da­ting mataas na opisyal ng Department of Justice ang tumanggap ng milyong payola mula sa mga drug lords na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).

Dahil dito, sinabi ni Aguirre na bubuo ang DOJ ng fact-finding committee na mag-iimbestiga sa pagkakasangkot ng dalawang dating opisyal ng DOJ na hindi niya pinangalanan alinsunod sa kampanya ng kagawaran na “Oplan: Digmaang Droga” laban sa mga illegal sa loob ng kulungan.

Sinabi ni Aguirre na nakinabang ang dalawang dating opisyal ng DOJ sa drug money mula sa mga high-profile inmates sa NBP at sangkot din sa korapsyon sa pondo ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Aguirre ang committee ay binubuo ng DOJ undersecretaries at state prosecutors.

“Umabot talaga sa DOJ — mataas. I don’t want to name names but we are going to come up with the results of the investigation. Nakita naman ninyo lahat kung gaano kaluwag ang treatment natin sa high-profile inmates. Parang sila ang bida dun, sila talaga ang nagmamando kung ano ang nangyayari dun,” ani Aguirre.

READ ALSO:  PDEA chief confirms Cebuano businessman Peter Lim is a drug lord on PDEA’s ‘target list’

Lumilitaw na umabot na sa puntong pinapapatay na ng mga high profile inmates ang mga NBP officers. Nakikipagsabwatan umano ang dalawang DOJ officials sa mga high-profile NBP inmates upang magawa ang kanilang mga illegal operations. Sila rin umano ang responsable sa pagbaba sa P40 kada araw na meal budget mula sa dating P50 kung saan ibinubulsa naman umano ang P240,000 “savings” kada araw.

Ito ang nagbunsod upang ilipat ang 19 na high-profile inmates sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos ang sunud sunod na raid.

Source: Phil Star

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com