94-taong gulang na lola, arestado matapos ipapaslang ang sariling anak

RESTADO ang nagngangalang si Flaviana Sagapsapan na residente ng Barangay Ma. Uray, Dapitan City, Zamboanga sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Parricide na inihain ng Dapitan City Regional Trial Court.
Batay sa ulat ng Pulisya, kumuha pa ng dalawang (2) miyembro mula sa gun – for – hire group ang suspek para ipagawa ang krimen na naging sanhi sa pagkamatay ng anak nitong si Arsenio.
Ayon sa imbestigasyon, nag – ugat lamang sa away sa lupa ang motibo kung bakit nagawa ni Flaviana ang krimen.
Napag – alamang kasama din sa pag – plano ng pagpatay ang mister nitong nauna nang pumanaw limang (5) buwan bago maganap ang insidente.
Kasalukyang nakapiit sa selda ng Dapitan City Police Station ang matandang suspek.
Sinubukang kunan ng panayam ang suspek subalit tumanggi itong magbigay ng anumang pahayag.
Bahagya namang nag trending sa social media ang naturang balita na ikinahabag naman ng damdamin ng karamihan sa mga Netizen. Marami sa kanila ang naniniwalang may ibang motibo pa ang pag – paslang sa anak at PINILIT na lamang umamin ang matanda.
Basahin ang mga reaksyon ng netizens sa ibaba:

Source: kami.com.ph

Facebook Comments
ContactUs.com