Babae tumalon sa footbridge, tumama sa sasakyan, nabuhay

SUGATAN ang 21-anyos na babae na tumalon sa footbridge at bumagsak sa dumaraang sasakyan sa Quezon City. Dinala sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Jessica Balingon, vendor, ng Solano, Nueva Ecija.

Umakyat sa footbridge sa Commonwealth Ave., Brgy. Holy Spirit, ang biktima alas-11:45 ng umaga noong Mayo 12. Bigla na lamang umano itong tumalon at bumagsak sa minamanehong sasakyan ni Eliseo Bernie Jr., 69, ng Pecker st., Marikina City. Nagdulot ito ng pagkasira sa unahang bahagi ng sasakyan.

Nagtamo naman ng mga sugat ang biktima na agad na naisugod sa ospital. Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na maraming problema sa pamilya ang biktima dahilan para subukang magpakamatay.

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com