Balimbimg daw?: Ai-Ai delas Alas gets bashed for posting photo of President Duterte on Instagram

aiai duterte

 

Napilitang sumagot ni Ai-Ai delas Alas sa mga negatibong komento mula sa ilan niyang followers sa Instagram kaugnay ng ipinost niyang litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalo ito sa unang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA noong Martes, July 5.

Caption ng Kapuso Comedy Queen sa nasabing post: “Ang pangulo… President Rodrigo Duterte (grabe nung dumating sya chant yung pangalan niya mahal ng Pinoy).

“Sayang di ako nakapagpa-picture. Nahiya ako.

“Tapos noong malakas na loob ko, nagsimula na yung 3rd quarter hahaha.

“Eto nganga wala kami pic… At least na picturan ko siya.

“Lakas maka-starstruck ni Mayor President…”

 

aiai duterte1

 

May kumuwestiyon sa post na ito ni Ai-Ai dahil sa dating Vice President Jejomar Binay daw ang sinuportahan niya nung nakaraang eleksyon.

Inulan ng panlalait at pang-ookray ang Comedy Queen. Kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakain sa Kapuso star dahil dito. May tumawag sa kanyang balimbing, papampam, KSP (kulang sa pansin), laos at kung anu-ano pa.

Hindi na ito sinagot ni Ai-Ai sa Instagram, bagamat marami naman siyang followers na nagtanggol sa kanya.

READ ALSO: Mike Enriquez on President Duterte: ‘To make a very important point is, totoo siya. No pretensions.

READ ALSO:  ABS-CBN to investigate Doris Bigornia case

AI-AI SPEAKS UP on PEP.PH

Sabi ni Ai-Ai, “Nanood lang naman ako ng basketball.

“Na-amaze lang ako sa tao kung gaano nila kamahal si Duterte.

“Sinabi ko bang Duterte ako?”

Kahit ang ibang mga kasamahan daw niya sa bahay ay si Duterte ang ibinoto noong nakaraang eleksyon.

Si Ai-Ai ay kay Binay pa rin ang suporta, pero hindi nga lang pinalad manalo.

Dagdag pa niya tungkol kay Pesident Duterte, “Dapat mag-move on na.

“Saka, hahanga ka naman talaga sa kanya, e.

“Di pa nga siya umupo, ang dami nang nahuli na drug lords or napatay.

“Ganun siya kagaling, ibig sabihin nun, tinutupad niya sinasabi niya.”

Sinabi rin ng Kapuso comedienne na dapat ay full support na ngayon sa bago nating pangulo dahil tapos na ang eleksyon.

Pero nandun pa rin daw ang pagmamahal niya kay Binay.

“Siyempre ang puso ko, kay Binay pa rin yun, ang kilala ko at nakiramay sa akin,” dagdag niyang text.
Hindi na raw niya pinapatulan pa ang mga basher niya, pero huwag naman daw sanang gawin pang isyu ang ipinost niyang paghanga sa bago nating pangulo.

“Wala naman dun sa basketball si Binay.

READ ALSO: PNP Chief Superintendent Edgardo Tinio Kay Duterte: Binilad kami sa kahihiyan

 

Source: Instagram,bandera.inquirer.net

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com