BATANG PUSHER DUMAMI AT MAS BUMABATA

drugs3

 

Sentro ngayon ng kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga menor de edad na nagsisilbing mga tulak ng droga sa bansa dahil sa biglang pagdami ng mga kabataang nahuhuli sa iligal na gawaing ito.

Ito ang inihayag ni PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac sa isang panayam kahapon, matapos ang pagdami umano ng bilang ng mga menor de edad na nahuhuling nagtutulak ng iligal na droga.

Nagpasya umano sila na tutukan ang nasabing problema lalo na’t may impormasyon silang ti­nanggap na mas bumabata pa ang mga menor de edad na drug pusher.

Pinagbasehan ni Cacdac ang report na mula sa 148 minors na naaaresto sa iligal na droga noong 2014 ay napansin nito na mas tumaas pa ang mga batang naaresto ng PDEA na umabot sa 179 nito lamang 2015.

“Kailangan agapan natin ang problemang ito lalo na’t nadaragdagan ang mga kabataang nasasangkot sa iligal na droga, hindi kailangang pabayaan na lamang ito,” dagdag ni Cacdac.

Sinasamantala aniya ng mga drug syndicate ang Section 6 ng Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, kung saan ang mga menor de edad ay walang pananagutan sa batas.

Source: Abante

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com