Certified Dutertards :ToMiho in favor of naming celebs in Duterte drug list

tomiho

 

Pabor ang magkasintahang Tommy Esguerra, 22, at Miho Nishida, 24, na pangalanan ang mga artistang diumano’y sangkot sa ilegal na droga.

Kaugnay ito ng napabalitang listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 50 celebrities na diumano’y gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga.

Pahayag ni Miho, “Opo, kasi siyempre hindi naman tama yun. Kailangan natin i-correct kung ano yung tama. So, yes.”

Iginiit din ni Tommy na responsibilidad ng mga artistang tulad nila ni Miho ang maging huwaran sa kabataan.

Aniya, “As artists, we are the role models. Gosh, we’re on TV. We’re on everyone’s home.

“So, whatever these young impressionable young kids see from us, that’s what they’re going to, in turn, copy.”

Dito ay sinabi ng magkasintahan na anumang oras ay handa silang sumailalim sa isang drug test.

Sabi ni Tommy, “Of course, yeah. Why not?

“There are some people who have needle issues…

“But overall, I think, yeah — if it’s not against your beliefs — do it.”

Dagdag ni Miho, “Yes po. Wala pong problema sa akin.”
Noong Setyembre 26, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief at Director General Ronald “Bato” dela Rosa na handa siyang ipatupad ang Oplan Tokhang sa mga artistang sangkot sa droga.

Kasunod ito ng anunsiyo ng kaalyado ni President Duterte na si Martin Dino na hawak nito ang drug list kung saan dawit ang 50 celebrities.

Sampu diumano sa mga ito ay nagtutulak ng ilegal na droga.

Pep.ph

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com