Doris Bigornia, na aksidente sa Mandaluyong.

 

Sugatan ang field reporter ng ABS-CBN na si Doris Bigornia matapos magkarambola ang limang sasakyan sa northbound lane ng Shaw Boulevard, Mandaluyong City nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ABS-CBN News, sinabi umano ng isang MMDA enforcer na nagtamo umano si Bigornia ng sugat sa ulo at agad itong dinala sa ospital.

 Bukod kay Bigornia ay may dalawa pang dinala sa ospital.

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar ang aksidente ng isang pick-up truck, dalawang sports utility vehicle (SUV), dalawa pang sasakyan at isang motorsiklo.

Kasama umano ang isang sasakyan ng ABS-CBN News sa naaksidente.

Nag-abiso naman umano ang MMDA sa mga motorista na humanap ng alternatibong daan dahil pansamantala na munang isinara ang EDSA-Shaw tunnel.

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com