Duterte reveals reason for skipping Kris Aquino interview

kris-du30

 

Walang migraine at may inasikasong isang espesyal na trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, November 11.

Ito sana ang nakatakdang araw ng panayam sa kanya ni Kris Aquino para sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit 2016 ng Go Negosyo sa Davao City.

May naunang engagement kasi si Pangulong Duterte bago ang Go Negosyo.

Ito ay ang launching ng Pilipinong May Puso Foundation Inc., isang foundation na nagbibigay-pugay sa mga makataong pagtulong ng kanyang namayapang ina.

Base sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN ngayong gabi, November 14, nagpaliwanag si Pangulong Duterte kung bakit late na siyang nakarating sa naturang pagtitipon.

Saad niya, “I’m very, very late because I had to go to a place where we had a very hard time negotiating pababa.

“It was raining very hard in the mountains and you could just not make it on time so my apologies to you all for indulging me.”

Ginanap ang pagtitipon sa Waterfront Insular Hotel Davao, kung saan nakarating ang pangulo bandang alas-9 na ng gabi.

READ ALSO: Sharon, Kiko slammed by netizens because of FB post

Pagkatapos nito ay didiretso na siya dapat sa Go Negosyo forum, na nakatakdang magsimula sana ng 4:30 ng hapon, ngunit naantala ito dahil hindi pa dumarating ang pangulo.

Kalaunan, sinimulan na ang programa dahil hindi na nga makakasipot si Presidente Duterte dahil sa migraine.

Pep.ph

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com