Duterte sa nabulag na sundalo ‘Aalagaan Kita, Ire-reinvent Kita’

russiske datingsider Duterte-emotional-in-Danao-homecoming

kontaktannonser hudiksvall  

dating sider på facebook MANILA, Philippines – Bukod sa gustong i-reinvent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabulag na sundalo na dinalaw niya sa Armed Forces of the Philippines Medical Center kamakailan, nais rin niya itong magkaroon ng lovelife upang magkaroon ng inspirasyon sa buhay.

Vetlanda Sa talumpati ng Pangulo sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines Central Command (AFP-CentCom) sa Brgy. Lahug, Cebu City kamakalawa ng gabi, hindi naiwasang banggitin ng Pangulo ang nabulag na sundalo kung saan naging emosyonal ang pagkikita nila sa ospital ng militar.

Bagaman at hindi tahasang tinukoy ng Pangulo ang pangalan ni 2nd Lieutenant Jerome Jacuba, na nabulag matapos tamaan ng shrapnel ang mga mata sa isang clearing operation noong Marso sa Bgy. Datu Salita sa Maguindanao, maliwanag na ito ang pinatutungkulan niya sa kanyang talumpati.

“Ang unang gawin natin diyan marami man ring buta (bulag) na babae, ipakilala mo sila para may inspirasyon. I am not trying to —walang binastos —iyong parang may-warm sila na…Kung may asawa pero parang binata iyon eh. Somebody to take care of them,” anang Pangulo.

dating sider tinder READ ALSO: Former Manila Archbishop Rosales says Duterte on right track

Tiniyak rin ng Pangulo na tutulungan niya ang nasabing sundalo at gagawing “bagong tao”.

“Desperation kasi para siyang desperado na kaya nga umiyak eh. And then ang sabi ko, ‘Okay lang. Do not worry, we will reinvent you parang bagong tao.’ And everything is not lost,” anang Pangulo.

Kabilang sa mga plano ng Pangulo ay paaralin ng Braille ang nabulag na sundalo at pagkatapos ay hanapan ito ng trabaho sa mga call centers.

“Do not worry. I will take care of you. Paaralin kita ng Braille and then bigyan kita ng bagong parang natural eye. And then I’d look for work for you.” Iyong sa call centers. Para makapag-aral lang siya ng Braille, okay na, paspas iyan eh,” pahayag ni Duterte.

Nangako rin ang Pangulo na susubaybayan ang nabulag na sundalo sa susunod ng anim na taon ng kanyang termino.

“I will take care of him sa six years. I will reinvent you as a human being. Huwag kang mag-alala minus the eyes, I will reinvent you so that you will succeed” anang Pangulo.

 

 

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com