Ex SAF Chief Napeñas to PNOY: Sinungaling sya, Sinira niya ang buhay ko!

MANILA, Philippines – Wala raw katotohanan ang mga sinabi ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa isinagawa niyang media briefing tungkol sa ikinasang operasyon sa Mamasapano noong 2015.

Sa  interview ng News5 kay dating PNP Special Action Force (SAF) Getulio Napeñas, nilinaw niyang walang binago sa iprinisinta nilang plano sa dating pangulo.

“Wala kaming binago. Iyan ngayon lang lumalabas iyang binago na plan,” sabi ni Napeñas.

Sa katunayan, binilinan pa ni Napañas sina Gen. Alan Purisima at Aquino na oras na makatunog ang mga kalaban, malalaman ito ng buong barangay.

“Dito namin kailangan iyong suporta ng 6th Infantry Division or iyong military, tulungan kami sa paglabas at iyan ang alam na alam din ni General Purisima kaya ang sagot niya sa akin noon, ako na ang bahala kay [AFP Chief General Gregorio] Catapang. Binigyan niya ako ng assurance, naniwala ako sa sinabi ni General Purisima,” sabi ni Napeñas.

Ngunit sadya raw isinikreto ang operasyon.  “Itinago nila itong operasyon na ito. Silang tatlo, si PNoy, si Gen. Mendez at saka si Gen. Purisima. Hindi nila ipinaalam kay Gen. Espina. Hindi nila ipinaalam kay Secretary Roxas. Hindi nila ipinaalam kay Gen. Catapang,” sabi ni Napeñas.

Buwelta ni Napeñas, mas masama ang loob niya at buong SAF kay Aquino.

“Ako ang ginawang sacrificial lamb dito. Ako ang nilagay nila sa alanganin. Sinira niya ang buhay ko! Iyan ang katotohanan dyan. Kung masama ang loob niya samin mas masama at mas masahol ang sama ng loob ng buong SAF sa kanya!” galit na sabi ni Napeñas.

“Maalala mo nung pumunta siya sa SAF, hindi siya inimik ‘di ba? Even Sec. Roxas, walang umimik? Kita mo. Kung may namatay sa sama ng loob at saka mura, patay na siya saken,” dagdag pa niya.

Naikumpara pa ni Napeñas si Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung nangyari lang ito nung panahon ni Pres Duterte, tapos na ‘yan. Nagkataon na iyong presidente noon na si PNoy eh walang b*y*g na harapin ang kanyang responsibilidad. Ipinag-utos, ipapasa niya sa iba ang responsibilidad at sisi,” sabi ni Napeñas.

Hindi rin daw totoo na kinuhang consultant lang si Gen. Purisima dahil present daw siya simula pa sa umpisa ng plano.

“Sinabihan ako ni Gen. Purisima, ‘Oh, pumunta tayo sa Malacañang, mag-present tayo ng oplan.’ Consultant ba iyon? Eh siya nag-aarrange eh. Nakita mo na? Sino nagsasabi ng totoo? Ako o si PNoy?” sabi ni Napeñas.

Source: NEWS5

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com