Francis Magalona daughter reacts to contradicting statements of Duterte and Bato on drug war: ‘Lahat nalang joke. Kadiri’

Nagbigay ng reaksiyon ang anak ni Francis Magalona  na si Saab Magalona sa sunud-sunod na balita tungkol sa patayang nagaganap kaugnay ng malawakang kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa ilegal na droga.

Sa kanyang Twitter noong Martes, September 5, nag-post si Saab ng screen shots ng mga headline ng magkaibang statements ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa tungkol sa pagpuksa sa sangkot sa ilegal na droga.

Sa ginanap na Senate investigation kaugnay ng pagkamatay ng estudyanteng si Kian de los Santos noong Martes, sinabi ni Dela Rosa: “Walang sinabi si Presidente sa akin na pumatay kayo nang pumatay.”

Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Duterte kung saan hinimok niya ang publiko na patayin ang drug addicts.

Maikling caption ni Saab rito: “But…”

Sa sumunod niyang post ay ini-screenshot naman ni Saab ang mga komento sa kanyang naunang post, kung saan sinabi ng ilang netizens na biro lamang ang naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa pagpatay sa mga drug addict.
Caption niya rito: “Sobrang jirits pls LORD GIVE ME STRENGTH.”
Ang “jirits” ay gay slang para sa salitang “naiirita.”

Source: Pep.ph

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com