Ilang mga obispo duda sa survey na bumaba ang mahihirap sa bansa

illegal

 

Suriing mabuti ang datos na inilalabas ukol sa bilang ng mga mahihirap na Pilipino.

Ito ang naging panawagan ni CBCP – Permanent Committee on Public Affairs Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, matapos lumabas sa pag–aaral ng National Anti – Poverty Commission (N-A-P-C) na bumaba ang bilang ng poverty incidence sa bansa.

Ipinagtataka ng obispo na sa gitna ng pagtataas ng presyo ng mga bilihin at ang mga kalamidad na nararanasan ng bansa ay bumababa pa rin ang bilang ng mga mahihirap.

“Yang mga datos na yan ewan ko lang kung paano mapagsama-samahin yan na bumaba ang bilang ng mga mahihirap tumaas ang presyo hindi naman tumataas ang kita ng mga tao. Sana paano kaya nila ma – reconcile yung mga datos na yun,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas

Sa tala ng NAPC bumaba ngayong first semester ng 2016 sa 21.4 na porsiyento mula sa 22.3-porsyentong noong 2012 ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas.

Source: Bomboradyoveritas846

Photo Credit to Veritas846.ph

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com