Isang suspek ng Rape ang ipinarada sa palengke ng mayor ng Tanauan, Batangas




Isang suspek sa panggagahasa ang ipinarada sa palengke ng mismong mayor ng Tanauan, Batangas. Ang suspek, umamin daw kay Mayor Antonio Halili sa krimen. Kilala ang mayor sa pamamahiya sa mga nadadawit sa krimen. Kaya ang Commission on Human Rights, idaragdag daw ang panibagong insidente sa kanilang dati nang mga naisampang kaso laban sa alkalde.


Huli si BASILIO RIPARIP isang Nutoryus na Rapist sa pamamagitan ng Citizen’s Arrest sa pangunguna ng Mayor’s Anti Crime Group at ng mga taong Bayan na galilt na galit sa Rapist na tatlong beses ng paulit ulit na nangre rape sa isang Barangay sa Lungsod ng Tanauan sa iba’t ibang babae. Ipinarada ng taong Bayan si Basilio na isa rin Drug Addict na ilang beses ng gumawa ng panggagahasa sa mga Kababaihan sa isang Barangay sa Lungsod ng Tanauan. Habang ipinaparada ang Rapist na ito ay galit na galit ang taong bayan at halos bawat madaanan ay nakakatikim sya ng suntok at sipa sa taong Bayan. Maging ang kanyang biktima ay gusto na syang Patayin kung hindi lang naawat ng ibang mga tao.



Si Mayor Thony C Halili habang kinakausap ang Nutoryus na Rapist na nang Rape ng tatlong beses sa iba’t ibang biktima sa isang Barangay sa Lungsod ng Tanauan, na inamin naman nya ang kanyang ginawa sa kanyang mga Biniktima na Kababaihan. Hinuli sya mga Opisyales ng Barangay at ang Mayor’s Anti-Crime Group at ang mga taong Barangay na galit na galit dahil sa paulit ulit na pangre rape sa kanilang mga Kabarangay., Sa galit na ng taong bayan ay sila na mismo ang nagparada sa Nutoryus na Rapist.


Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com