Jimmy Bondoc to Agot Isidro: Wikipedia only talks about your educational background in Fashion, but nothing about public service

coppia cerca uomo Ravenna

clicca sul sito Sinagot ni Jimmy Bondoc ang maikling puna ng kapwa singer na si Agot Isidro sa pansamantalang pagpapatigil ng tulong-medikal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

uomo cerca uomo Torino Sa Twitter noong Nob. 13, sinabi ni Isidro na hindi patas ang nasabing desisyon ng ahensya na nabuo matapos mabuking ang pamemeke ng dokumento ng isang mag-asawa para makakuha ng ayuda.

coppia cerca uomo Catania “This is not fair. Why punish everyone for the sins of a few? Marami ang nanga-ngailangan ng medical assistance. This is not right,” saad ng aktres sa ini-retweet niyang balita tungkol dito.

Umalma rito si Bondoc na kasalukuyang Vice President for Corporate Social Re­sponsibility Group ng PAGCOR.

Sa isang Facebook post noong Nob. 18, pinaliwanagan ng opisyal ang aniya’y “misinformed” na si Agot.

“First and foremost, due to the quick response of all concerned agencies, we are now receiving walk-in requests again, provided that they have been verified by the PCSO. This is not red tape, uunahan na kita,” ani ni Bondoc.

“This is based on many legal reasons. But like I said, I would rather keep it short. Feel free to read the PCSO and PAGCOR charters, which are available online,” dagdag niya.

Sa kanyang “ikalawang punto”, hiniling ni Bondoc na sana’y maging aktibo sa pamamahala ang mga gaya ni Isidro na inilarawan niyang “matalino at maimpluwensya”.

“Believe it or not, your opinions are very welcome,” aniya.

Hinamon ng opisyal ang aktres na magtrabaho sa gobyerno para maunawaan ang sistema rito.

Diretsahan namang sinabi ni Bondoc na mali ang karamihan sa komento ni Isidro, ngunit aniya, “but they are not wrong because you are stupid, contrary to what many of your critics say. I know you are smart.”

Sa isang Facebook post noong Nob. 18, pinaliwanagan ng opisyal ang aniya’y “misinformed” na si Agot.

Facebook Comments
ContactUs.com