LOOK: Duterte, nagbigay ng 100-milyong piso sa Veterans Medical Center

Nagkaloob si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang daang milyong pisong donasyon para sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kung saan inaasahang makikinabang ang libu-libong retiradong beterano.

Ayon sa Malacañang, ipinangako din ng Pangulo na bago matapos ang taong 2017 ay magkakaloob ito ng mas madami pang donasyon sa VMMC na magmumula sa pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

 
 Inutusan din ni Duterte ang mga opisyal ng VMMC na gamitin itong pambili ng mga dekalid na medical equipment para sa kapakanan ng mga pasyente.

“Buy the best, huwag yung lowest bid… I want quality. Quality ako,” ani Duterte.

Kasabay ng kaniyang pagbisita sa VMMC ay nagkaloob din ito ng higit labing siyam na grocery package sa mga pasyenteng sumasailalim sa hemodialysis.

 Samantala, sa pagdalo naman ng Pangulo sa ika-82 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi nitong i-subsidize na ng pamahaalan ang gamot na kakailanganin ng mga sundalo.

“They need the management for bills. It’s P50 million monthly para sa AFP. Pati P50 million sa V. Luna [General Hospital],” aniya.

“For those who are retired, I know that you have medicines to take, management for all the kind of ailment that a soldier suffers when he retires. Kasi baka hindi niyo alam ‘yan, there’s always the ready money,” dagdag pa nito.

Source:  GMA News, netcitizen.co

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com