Mahina ang kokote ni Duterte dahil hindi nya kayang solusyonan ang mga problema ng Pilipinas – Trillanes

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa sa Philippine Military Academy (PMA) ni Senador Antonio Trillanes.

Nagtataka ang Pangulo kung bakit nakapasa si Trillanes sa PMA gayung mababa ang kanyang intelligence quotient o I.Q.

Hindi naman pinalampas ni Trillanes ang pahayag ng Pangulo.

Hamon ng senador sa Punong Ehekutibo, kumasa sa I.Q. Test para sa ikatatahimik ng isyu.

Kapag napatunayan aniya na mas mataas ang I.Q. ng Pangulo kay Trillanes ay agad-agad na magbibitiw ang senador.

Dagdag pa ni Trillanes, na ang Pangulo ang may mahinang kokote dahil hindi nito kayang masolusyonan ang mga problema ng bansa.

Source: rmn

Facebook Comments
ContactUs.com