Mark The Date: ‘Pasabog’ abangan sa Duterte SONA – Palasyo

 

Posible umanong may mga matitinding pangalang babanggitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) sa July 25.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na bahagi ito ng pagiging transparent ng presidente sa kanyang laban kontra iligal na droga.

Tumanggi namang magbigay ng clue si Andanar kung sino-sino ang mga ito kaya’t abangan na lamang aniya ito sa July 25.

Dahil unang SONA ito ng Pangulong Duterte, sinabi ni Andanar na nire-review nila ang mga nakalipas na SONA ng mga naunang presidente at maging ng ibang lider sa ibang bansa dahil nais ng administrasyong maging “the best” daw ang kay Duterte lalo na pagdating sa produksyon.

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com