Mocha Uson planong bigyan ng posisyon sa gobyerno ni Duterte?

mocha uson

 

Bandera – NA-BASH nang husto ang sexy singer na si Mocha Uson nang kumalat ang balita na posible raw bigyan siya ng posisyon sa gobyerno ng Duterte administration.

Bukod dito inuupakan din ng mga netizen si Mocha dahil sa patuloy na pagdepensa niya kay Digong lalo na ngayong nananalo na sa bilangan ang alkalde ng Davao. Dahil dito, nakiusap na si Mocha sa kanyang mga bashers na tama na ang pag-aaway at pagbabastusan sa social media ngayong tapos na ang eleksiyon. Sana’y suportahan na lang ng lahat ang mga nanalong kandidato at simulan na ang tinawag ni Duterte na “healing process”.

Isa si Mocha sa mga celebrities na talagang nakipaglaban sa kandidatura ni Duterte, sa katunayan napakarami rin niyang nakaaway dahil sa politika. Pero ayon sa sexy singer worth it naman ang ginawa niyang pagtatanggol at pagboto kay Rody. Ayon pa kay Mocha, hindi rin totoo na may balak ang kampo ni Digong na isama siya sa listahan ng mga bibigyan ng posisyon sa pamahalaan.

“Akala ko nga Department of Education. Ha-hahaha! Joke lang po. Naniniwala ako na hindi po natin kailangan maging bahagi ng politics o kailangan magkaroon ng posisyon sa gobyerno para tumulong sa tao. Kailangan simulan na natin sa ating mga sarili,” depensa pa ni Mocha sa panayam sa kanya ng ABS-CBN .

Sinagot din nito ang kumalat na chika na malaki ang ibinayad sa kanya ni Duterte kaya halos makipagpatayan na siya sa pagtatanggol kay Digong noong kasagsagan ng kampanya. “Wala po kaming talent fee. Hindi po kami humingi ng kabayaran sa aming pagsuporta kay Duterte, kusang loob yun at walang kapalit,” sey pa ng kilalang sex guru.

Source: Bandera

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com