Mocha Uson urges President Duterte to boycott media again

mocha

 

Hinikayat ng sexy dancer-turned-blogger na si Mocha Uson si Pangulong Rodrigo Duterte na i-boycott muli ang media dahil sa paninira raw ng mga ito sa imahe ng presidente ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog ay ipinarating ng lider ng all-female group na Mocha Girls at die-hard Duterte supporter ang kanyang panawagan sa pangulo:

“Mr. President, pls boycott the media again.

“Sinisira nila ang iyong imahe para sa kanilang pangsariling interes at pinapapangit ang imahe ng ating bayan sa ibang bansa.

“Marami pong mga ka-DDS [Duterte Diehard Supporters] na nagco-comment po na sana po ay iboycott niyo po uli ang mga BASTOS NA BAYARANG MEDIA.”

Nag-ugat ang panawagang ito ni Mocha dahil sa pambabatikos na natatanggap ngayon ng pangulo kaugnay ng mga naging pahayag niya laban kay US President Barack Obama.

Sa comment section ng kanyang Facebook post ay sinabi ni Mocha na pipilitin niyang maipaabot mismo kay Pangulong Duterte ang panawagan niyang ito kapag marami raw nag-share at nag-comment sa post niya.

Dagdag pa niya, “Kakausapin ko po ang mga nakasama natin sa campaign upang maipaalam sa ating Pangulo ang kahilingan ng mga ka-DDS.”

 

Pep.ph

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com