Nakawan ulit sa NAIA? OFW galing HK ninakawan ng mga mahalagang gamit sa bagahe

Nakawan ulit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?

Viral sa social media ngayon ang umanoy nakawan na naman sa NAIA airport matapos i-upload ito ng isang netizen habang umiiyak ang isang pinay dahil sa nawawalang mga gamit sa maleta.

Ayon sa post ni Smiling smule idol jhay, ang flight ay galing Hong Kong na may flight number 5J113, at 10:25 pm na nagmula pa Hong Kong.

Sa nasabing video, makikita ang isang pinay OFW na umiiyak at galit na galit dahil nawawala ang kanyang mga gamit.

Nakasaad sa post, “Yesterday @ terminal 3 CEBU PACIFIC Flight 5J113 10:25pm frOm HONgkOng si kabayan.

Lahat ng Laman ng MahalagaNg gamit sa baggage’s nya kinuha damit nlaNg ang iniwaN,
Akala ko baH Tpos na itOng mga Walang puSong magnanakaw na itO, merOn parin Sana UnabOt itO kai panguLong Duterte.”

Ipinag-utos nga ni Duterte na i-terminate ang kontrata sa isang avation services provider matapos masangkot ang isang empleyado nila sa nakawan.

Maraming nagalit rin na netizens dahil tuloy pa rin ang nakawan sa NAIA.

Nagtatrabaho ang ating mga OFW para sa kanilang mga pamilya kaya apektado ang lahat kung hanggang sa paliparan ng bansa ay walang mapagkatiwalaan.

Source: Smiling smule idol jhay

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com