OFW PATAY SA PANANAKSAK NG KAPWA OFW.

Humantong sa pananaksak at ikinasawi ng isang Pinoy Overseas Filipino Worker ang pakikipagtalo sa kapwa rin OFW sa Riyadh Saudi Arabia.

May tama sa ibat-ibat parte ng katawan ang biktima na si Monico Basco Manansala at tubong Pampanga na naging sanhi ng kanyanga agarang ikinasawi.

Samantala sugatan rin at kritikal,na agad naman isinugod sa pinakamalapit na ospital ang di umanoy suspek sa pananaksak matapos tumalon ito mula sa ikatlong palalapag ng gusali kung saan sila naninirahan kasama ang biktima.

Ayon sa inisyal na kwento ng ilang mga nakakakilala sa biktima at ng suspek nagsimula umano ang pagtatalo ng pinakialaman umano ng biktima ang celphone ng suspek na kung saan mayroon mga coversation sa messenger na mayroon mensahe sa ibang babae ang suspek.Ang ginawa raw umano ng biktima at ini-screenshot nito ang usapan ng suspek at kanyang kalaguyo saka ipinadala umano sa asawa ng suspek na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa hindi pagkakaunawaan na humantong sa pananaksak.

Dagdag ulat pa,Napag-alaman na magkasama pang nag-inuman ang dalawa bago naganap ang krimen napag-alam rin na kapwa empleyado ng Remal Company sa Riyadh ang suspek at ang biktima.

Sa ngayon,hindi pa natin nakuha ang insaktong pagkakilanlan ng suspek na kasalukuyan kritikal sa ospital.

Nakatakda na sanang umuwi sa susunod na mga araw si Manansala para mag for good subalit uuwi na itong isang malamig na bangkay.

Sa ngayon patuloy parin ang isinasagawang imbistigasyon ng Saudi Police sa nasabing krimen Ipinaabot na rin sa ating Embahada sa nasabing bansa para sa agarang pagpapauwi sa labi ng biktima.

Facebook Comments
ContactUs.com