Ogie Diaz hits Atty. Falcis: Kaya ka siguro naba-bash kasi parang lahat naman alam mo

Filipino comedian and business reporter Ogie Diaz defended veteran actor Aga Muhlach against Attorney Jesus Falcis who recently encouraged netizens to boycott Muhlach’s now showing movie, First Love and even called the actor “artista ka lang, isa kang walang alam sa pulitika.”

In a Facebook post, Diaz said that Falcis should respect the opinion of Muhlach even though they have a different perspective and should accept the fact that every people have different ideas when it comes to politics.

Diaz said that calling Muhlach “artista ka lang” and “bobo” doesn’t make him bright and intelligent.

The comedian also said that the reason why Falcis is being bashed by many netizens is because of his own fault for being arrogant who thinks he knows everything.

Kaya ka rin siguro naba-bash kasi kung makasabi ka ng “artista ka lang, wala kang alam,” parang lahat naman, alam mo,” Diaz said.

Read his full post below:

“Magkaiba din kami ni Aga Muhlach ng pananaw sa pulitika. Bilib ako sa tapang ni Trillanes, totoo yan, samantalang si Aga ay hindi. Eh, opinyon ni Aga yon, eh. Irerespeto ko.

Pero ikaw, hindi yon ang ginawa mo, Mr. Falcis.

Para sabihin mong walang alam si Aga dahil “artista lang” ito? Saka magsasabi ka ng “bobo” ke Aga, dahil lang sa opinyon niya na taliwas sa pinaniniwalaan mo? So ikinatalino mo yan?

Baka plano mong maghunus-dili para naman hindi ka mai-compare kay Atty. Larry Gadon na talinong-talino sa sarili, pero di naman na-translate ito sa kanyang rating sa survey.

Tanggapin mo na lang ang katotohanang iba-iba ang takbo ng utak ng mga tao pagdating sa political issues.

Kaya ka rin siguro naba-bash kasi kung makasabi ka ng “artista ka lang, wala kang alam,” parang lahat naman, alam mo.

Eh ako nga, alam ko yung isyu sa kapatid mo ke Kris Aquino tungkol sa “trust issue,” eh.

Pero dahil “artista lang ako,” eh hindi naman para husgahan ko yung kapatid mo, lalo na at tungkol sa “malaking halaga ng pera” ang isyu. “Artista lang” si Aga, so wala siguro siyang alam dito.

By the way, kay Aga Muhlach, me nabalitaan ka bang nagkaisyu ito sa pera o may niloko sa pera?

Let me know, ha? Baka meron, ipo-post ko para maging fair naman ako sa yo, Mr. Falcis.

PS. Pag may punto ka, ipaintindi mo. Wag kang magsabi ng “artista ka lang, wala kang alam” at “kabobohan mo.”

And for sure, hindi si Aga ang higit na nangangailangan ng atensiyon mo sa mga panahong ito. Nasa paligid mo lang.”

Facebook Comments
ContactUs.com