Ogie Diaz to Sass Sasot: Wag Kang Siga.

Photo by LionHeartTV

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagkumpronta ng pro-Duterte blogger na si Sass Sasot sa BBC Southeast Asian correspondent na si Jonathan Head.

Ang pagkumpronta ni Sasot sa BBC correspondent ay naganap kaninang hapon‚ November 13, sa International Media Center sa Pasay City‚ kung saan ang local at international reporters ay nagko-cover ng ASEAN Summit.

Kinuwestiyon ni Sasot ang diumano’y pagbibigay-pansin ng international media outfit sa aniya’y “minor blogger” na si Jover Laurio.

Ilang celebrities naman ang nag-react sa ginawang pagkumpronta ni Sasot sa BBC correspondent.

Tila isang patama kay Sasot ang Twitter post ng actress-singer na si Agot Isidro ngayong hapon.
Mensahe ni Agot, “Sweetie, last year BBC tried to get in touch with me for an interview, too. If they want to talk to you, they will find you. Do the math.”

Samantala, nagkomento naman ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz sa naging asal ng pro-Duterte blogger sa harap ng international media.

Aniya, “Di alam ni Sassot, di nila natutulungan ang Pangulo sa maling paraan nila ng pagtatanggol kay PRD. #WagKangSiga”

Source: Pep.ph

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com