Opisina ni Trillanes sa Senado tatanggalan ng ‘aircon’ – Senate President Vicente Sotto III

Ipinagbawal na ang pagdaraos ng misa para kay Senator Antonio Trillanes IV ng kanyang mga supporters sa mismong gusali ng Senado.

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na walang dahilan para sa Senado gawin ang misa kung saan naroon si Trillanes at sa halip ay gawin na lang sa isang malapit na simbahan.

Inaasahan din umano ni Sotto na tutulungan siya ng senador na i-preserve ang integrity at sanctity ng institusyon at hindi abusuhin ang hospitalidad ng liderato ng Senado.

Dapat ay nakasarado ang Senado kapag weekends at tanging mga staff lamang ng mga senador ang papayagang pumasok.

Ipinahiwatig pa ni Sotto na tatanggalan ng airconditioning system si Trillanes dahil isinasara umano ito kapag weekends upang hindi masira.

“Senate is closed on weekends. Only staff of senators are allowed. We have to turn off airconditioning at certain times and on weekends because it will bog down if they don’t,” sabi ni Sotto.

Idinagdag pa ni Sotto na ina-accommodate lamang nila si Trillanes at umaasa siyang hindi aabusuhin ng mga supporters nito ang kanilang pasensiya.

Facebook Comments
ContactUs.com