Pasabog ni Duterte:’Narco-mayors’ tutukuyin next week

Papangalanan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga mayor karamihan ay may dugong Chinese, gobernador, Chinese nationals, PNP officials at taga-BJMP na sangkot sa illegal drugs operations sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ayaw muna niyang tukuyin ang ibang drug personalities dahil mahirap daw makasira ng pangalan kung kulang naman ang batayan ng pagkakalagay sa matrix ng drug operations.

Una rito, tinukoy ni Duterte sina Wu Tuan alyas Peter Co, Peter Lim alyas Jaguar at Herbert Colangco bilang pangunahing drug personalities habang si dating Chief Supt. Marcelo Garbo ay isa umanong level 5 associate/coddler ng mga drug lords partikular kay Lim.

WATCH: Blue book na listahan ng Drug lords at Drug lord protectors nasakamay na ni Duterte?

WATCH: PNP Chief Superintendent Edgardo Tinio napaiyak sa akusasyon ni Duterte

Sina Co at Colangco ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) habang si Lim ay nakakalabas-pasok ng bansa para magpasok ng iligal na droga.

Nagbabala si Duterte na mamamatay sina Co at Colangco kung tatakas ng kulungan gayundin si Lim kung aapak ng NAIA.

Makakaasa daw ang taongbayan na hindi mamayagpag ang mga drug lords habang siya ang nakaupong pangulo ng bansa.

READ ALSO:Duterte to Bilibid drug lords: Hinihiya ninyo ang gobyerno. Magbilang kayo ng oras, ayaw ko ng araw

 

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com