PNOY: Taas-noo akong bababa sa puwesto

Ipinagmalaki ni Pa­ngulong Benigno Aquino III na sa pagbaba niya sa puwesto sa Hunyo 30, taas-noo siyang haharap sa sambayanang Pilipino at sasabihing tumupad siya sa mandatong ipinagkaloob sa kanya.

“Ang masasabi ko po, sa darating na ika-30 ng Hunyo, pagpalo ng alas-12:00 ng tanghali, matiwasay tayong makakababa sa puwesto, makakalingon nang taas-noo sa samba­yanang Pilipino, at mata sa matang masasabi: Tumotoo ako sa inyo. Tumupad ako sa mandatong kaloob ng aking mga Boss,” diin ni Pangulong Aquino nang magtalumpati matapos ang signing ceremony ng Children’s Emergency Relief and Protection Act.

“Tunay nating maipapamana sa susunod na henerasyon ang isang Pilipinas na ‘di hamak na mas maganda kaysa atin pong dinatnan; at nagawa natin ito, dahil nagtulu­ngan tayo, inangat natin ang isa’t isa, at inuna natin ang ating kapwa at bayan, bago ang sariling kapa­kanan,” pagmamalaki ni PNoy.

Source: Abante

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com