Pnoy to Duterte: Hindi magmamana ng mabigat na problema.

dutertepnoy-031116

 

Ipinagmalaki ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi magmamana ng mabigat na problema sa pamahalaan ang papasok na administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulong Aquino, dahil sa mga repormang ipinatupad ng kanyang administrasyon sa loob ng anim na taon ay gumaan na ang problema.

Ayon sa Pangulong Aquino, ilan sa achievements ng kanyang administrasyon ay ang paglago ng ekonomiya dahil sa naitalang 6.9 percent na GDP, nasimulan na rin ang AFP modernization sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagong kagamitan tulad ng makabagong jet fighter ng Philippine Air Force (PAF) at pagdaragdag ng asset ng Philippine Navy.

Dagdag ng Pangulo, nasimulan na rin ang mga skyways na magdurugtong sa North Luzon Expressway at South Luzon Expressway at ang problema sa backlog sa mga classrooms ay naresolba na rin.

Inihayag ng outgoing chief executive na hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 30 ay patuloy nitong ipapatupad ang mga programa ng pamahalaan sa ekonomiya at seguridad.

Source: Bombo Radyo

 

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com