PULSE ASIA: 25% ng mga botante, maaaring magpalit ng kandidato sa E-Day



Maaaring indikasyon ng mananalo’t matatalo sa halalan ang pre-election surveys, ngunit may isang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang ang isang kandidato: ang “swing vote.”


Iginiit ni Pulse Asia president Ronald Holmes na 25 porsyento ng mga respondent sa surveys ay maaaring magbago ang isip at magpalit ng kandidatong iboboto sa mismong sa araw ng halalan.

At mangyayari ito, ayon kay Holmes, habang minamarkahan ng botante ang kanyang balota.


“Maaaring magbago pa. Maaaring mag-swing pa ang mga botante. Malaki ang populasyon na ito at iyong swing na iyan, maaaring maka-impluwensiya doon sa pinal na resulta ng eleksyon,” pahayag ni Holmes sa panayam ni GMA News reporter Sandra Aguinaldo.


Sa exit polls ng Pulse Asia noong 2010 elections, sinabi ni Holmes na 15 porsyento ng mga botante ay nagpalit ng ibinotong kandidato.



Payo ni Holmes, makatutulong sa kandidato ang malinaw na mensahe para sa “undecided” na botante, lalo na sa mga huling araw ng kampanya.


“Merong isang matinding mensahe silang dapat iparating. Meron isang emosyonal, makabuluhan na mensahe na maaaring magbago ng isipan ng mga botante,” dagdag niya.


Pero nilinaw niya na hindi lamang “swing votes” ang maging “game-changer.”  Maraming iba pa.

Isa sa mga factor ay, halimbawa, ang mainipin na botante na kapag nakakita ng mahabang pila, sa halip na bumoto ay uuwi na lamang ito.


Isa rin ang political machinery sa mga game-changer, at ang isa pa ay ang vote-buying upang makuha ang swing vote


Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com