READ: Open letter of Sen. De Lima to Pres. Duterte

dating danmark Mahal na Pangulong Duterte,

dansk dating på facebook Sana ay masubaybayan po ninyo ang mga gagawing pagdinig ng Senado ukol sa mga patayang nagaganap. Nais po nating malaman ang katotohanan sa likod ng mga ito. May mga indikasyon o teorya po na nagsasabing hindi lahat ng nangyayaring pagpatay ay talagang kaugnay, kundi kasabay lamang, ng kampanya laban sa droga. May mga pagpatay na isinasabay o isinasakay lamang ng mga tiwaling kawani ng pamahalaan at mga kasabwat nila upang pagtakpan ang kanilang karumaldumal na partisipasyon sa kalakalan ng droga. Hindi nila isinusulong, kundi inililihis pa nga ang direksyon ng paglaban sa droga at sinasabotahe ang magagandang layunin ng kampanya.

Ribe Itong pong pagtiya sa katotohanan ay kagaya rin ng pag-alam ninyo sa mga indibidwal at grupong nagpapatakbo ng negosyo ng droga, at sa pagtukoy sa mga ugat at saklaw nito sa loob at labas ng ating bansa. Sa paglalahad ng katotohanan,pakay po natin ang tunay na tagumpay ng kampanya laban sa droga at kriminalidad sa pagpapanukala ng mga nararapat na batas at alituntunin upang tulungan ang ating mga alagad ng batas sa tamang pagtupad ng tungkulin. Higit sa lahat, hangad po natin gaya rin ng hangad ninyo, Pangulong Duterte, na palakasin pa ang sistema ng ating mga batas para matiyak ang pag-iral ng batas at paggalang sa karapatang pantao sa lahat ng pagkakataon.

datingside under 18  

dejting facebook

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com