Ricky Davao reacts to President Duterte’s exposé about police generals linked to drugs

ricky-davao

 

Isa ang award-winning actor na si Ricky Davao sa mga nagpahayag ng opinyon tungkol sa isyu ng senior police officials na may kaugnayan sa drug trade at pinangalanan kahapon ni President Rodrigo Duterte sa talumpati nito sa 69th anniversary ng Philippine Air Force sa Clark Airbase, Angeles, Pampanga.

Nalaman ni Ricky ang pasabog ni Duterte habang nasa presscon siya ng DOM o Dirty Old Musical, ang musical play na itatanghal sa Music Museum sa September 2016. Tampok din dito sina Robert Sena, Nonie Buencamino, John Arcilla, at Michael Williams.

Pahayag ni Ricky tunkol sa pasabog ni President Duterte, “Alam naman natin na meron talaga.

“Ngayon, kung totoo yun o hindi, ang bintang sa bawat isa sa kanila, hindi natin alam.

“Kasi, kumbaga, where there’s smoke, there’s fire.

“Kung hindi talaga sila, then prove it. May korte naman, may imbestigasyon.

“Pero kasi marami ang lumulusot, e.

“So, sana yung mga ginagawa ni President Duterte, e, mag-open up talaga ng mga bagay-bagay para dumiretso naman ang takbo ng mga buhay natin.”

SIMPLE DISCIPLINE. Sang-ayon din daw si Ricky sa mga aksyong ginagawa ni President Duterte mula nang manungkulan ito.

READ ALSO: ABS-CBN to investigate Doris Bigornia case

Saad niya “For me, okey naman ang mga ginagawa ni President Duterte.

“Bakit ka naman matatakot kung wala kang ginagawang masama?

“For me, curfew is fine, lalo na I have kids. Okey sa akin yun.

“Parang ang dating nga sa akin, ibinabalik lang niya yung mga simple discipline.

“Yung sinasabi nila na small-town thinking, hindi totoo yun.

“Ibinabalik lang niya ang mga simple discipline.”

Patuloy ni Ricky, “Totoo naman, yung mga nagka-karaoke sa kanto, hindi ka makatulog.

“Yung mga ginawa dati ng mga mayor, ni Mayor Duterte, Mayor Bayani Fernando, ni Mayor Dick Gordon ng Subic, ang linis, ang ganda, disiplinado.

“Tapos, ibinabalik niya yung pride natin as Pinoy na, ‘Uy, huwag kang magkalat, masisira yung bayan natin.’

“I don’t know what happened, nagkaroon na ng mga corruption.

“Siyempre, power ‘yan, nakakalasing.

“Pero sana, ang mga tao ngayon na namumuno at mga nakapaligid, sana huwag malasing.

“Sana malasing sila sa ganda ng mangyayari.”

Source: Pep.ph

Photo by Inquirer.net

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com