Robredo problemado kung saan kukuha ng P7M.

Bagama’t mayroon pang halos isang buwan, problemado ang kampo­ ni Vice President Leni Robredo kung saan kukuha ng P7 milyon na idedeposito sa Supreme Court (SC) hinggil sa kanyang counter-election protest laban kay dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Ito ang inamin ni Atty. Maria Bernadette Sardillo, isa mga election lawyer ni Robredo, hinggil sa natitirang P7 million na kaila­ngang bayaran ng Bise Presidente sa Hulyo 14, 2014.

“Dumadaan sa hirap lalo na dito sa kung paano kami kumuha ng pera para sa pagbayad dito sa cash deposit eh,” ani Sardillo.

 Si Robredo ay pinagbabayad ng P15 million para sa kanyang counter-protest laban kay Marcos na unang nagsampa ng election protest matapos niya itong talunin noong nakaraang vice presidential election.

Nagbayad na si ­Robredo ng unang P8 million noong Mayo 2, 2017 at kailangang bayaran ang natitirang P7 million sa Hulyo 14, o tatlong araw pagkatapos ang unang preliminary conference sa kaso na itinakda ng SC na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sinabi noon ni Robredo na inutang lang niya sa mga kaanak ng kanyang yumaong mister na si dating Secretary Jesse Robredo ang nasabing halaga at ang iba ay personal niyang pera.

Mas malaki naman ang ipinadeposito ng PET kay Marcos na umaabot P66 million kung saan agad niyang binayaran ang unang P36 million at kailangang bayaran din nito ang natitirang P30 million sa Hulyo 14.

Subalit ayon kay Sardillo, sa kabila ng mga pinagdadaanan ng Panga­lawang Pangulo ay tiwala pa rin umano ito sa Korte Suprema na sa dulo ay mananaig ang katotohanan.

Source: Abante Tonite

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com