Sharon Cuneta cannot hide her kilig as she was mentioned in Duterte’s speech

Pinasalamatan ni Sharon Cuneta si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkakabanggit ng kanyang pangalan sa talumpati ng Presidente ng Pilipinas.

Nabanggit ni Pangulong Duterte ang pangalan ng Megastar sa dalawang pagkakataon.

Una, sa talumpati niya sa 120th anniversary ng Department of Justice, sa Pasay City, noong Martes, September 26.

Nagsimula ito nang banggitin ng Pangulo ang kanyang “utang na loob” kay Senator Kiko Pangilinan, mister ni Sharon.

Ikinuwento ni Duterte na minsan ay hiniling ng kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na makita si Sharon.

“Pangilinan is my friend at may utang na loob ako sa kanya.

“Si Inday, when she was in Grade 6, Grade 5, sabi ko, ‘Anak, anong gusto mong birthday gift?’

“Sabi niya, ‘Gusto ko magkasama kami ni Sharon Cuneta.'”

Ang ikalawang pagkakataong nabanggit ni Pangulong Duterte si Sharon ay sa speech niya sa 56th anniversary ng Philippine Constitution Association sa pareho ring araw.

Dito ay ikinuwento ng Pangulo na tinawagan niya si Senator Kiko upang tuparin ang birthday wish ng anak na si Inday Sara.

“I had to call Senator Pangilinan. ‘Senator, I owe you for doing this for my daughter. I respect you,’” saad ng Pangulo.

Hindi malinaw kung ano ang nag-udyok kay Pangulong Duterte na purihin si Senator Kiko, na kabilang sa opposition party.

Hindi naman pinalampas ni Sharon ang pagkakataon upang pasalamatan si Pangulong Duterte sa pagkakabanggit nito ng kanyang pangalan.

Kinilig daw ang 51-year-old actress-singer dahil dito.

Sabi ni Sharon sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes, September 28: “(All politics aside — into which I have unfortunately been dragged by mere association to my Senator-hubby’s work.)

“Thank you, Mr. President Duterte, Sir, for what you said on the news about me and my friend Mayor Inday Sara last night.

“May God bless you, Sir!

“So “kilig!” Might be an inappropriate word, everyone –but hey – it’s how I feel.”

Source: Pep.ph

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com