UN chief mali ang impormasyon dahil sa maling balita ng media – Duterte camp

DAVAO CITY – Nagpalabas ng statement si incoming presidential spokesman Salvador Panelo sa pagpuna nang United Nations (UN) tungkol sa pahayag sa extrajudicial killings ni President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Panelo, posible na mali ang mga impormasyon na natanggap ni United Nation Secretary General Ban Ki-Moon dahilan upang magpalabas ito nang maling statement sa UN correspondents.

Kung maaalala mariing kinondena ni Ban ang pahayag ni Duterte tungkol sa pagpatay sa mga journalists sa bansa.

“It is unfortunate that the UN Secretary-General Ban Ki-Moon has issued a statement condemning what he perceives to be an endorsement by President-elect Rodrigo Duterte of extrajudicial killings. Obviously the UN Secretary-General believed the incorrect news reports that gave rise to such wrong perception,” ani Panelo.

Dagdag pa ni Att. Panelo, hindi iniindorso nang susunod na pangulo ang extrajudicial killings dahil sa labag ito sa batas.

Pinuna naman nito ang mga miyembro ng media na iresponsable na naghahatid nang maling impormasyon.

Source: Bombo Radyo

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com