WATCH: Baron Geisler nanggulo at nasapak!

Ilang araw pagkatapos kumalat ang video ni Baron Geisler kung saan makikitang nakikipag-away siya sa ilang estudyante, isa na namang panibagong video ng aktor ang umiikot ngayon sa social media.

Sa bagong video na ito, sangkot na naman sa gulo si Baron.
Dito ay makikitang nakipagsagutan at nakipagsuntukan siya sa kapwa niya aktor na si Kiko Matos.
In-upload ang naturang video ng isang Facebook user na may handle name na Medmessiah CombatBoi noong May 25.

 

Kuha diumano ito sa Tomato Kick bar sa Tomas Morato, Quezon City. Ngunit hindi nabanggit kung anong araw naganap ang insidente.

Isang nakasaksi umano sa insidente na nag-comment sa video at ipinagtanggol si Baron. Aniya, masyado raw bastos ang nakasuntukan ni Baron, na akala niya ay isang ‘Amerikano.’

Facebook Comments
Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ContactUs.com